Sa ulat, dakong alas-2:15 ng hapon, pababa ng bayan ang konsehal na minamaneho ang kanyang motorsiklo para mag-deliver ng saku-sakong kopra nang tambangan at pagbabarilin ng mga salarin.
Kagawad itinumba ng tandem
Jorge Hallare (Pang-masa) - November 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang 40-anyos na kagawad ng barangay matapos pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem habang sakay ng kanyang tricycle naganap sa Brgy. San Antonio sa bayan ng Barcelona, Sorsogon, kamakalawa ng hapon.

Bulagta sa kanyang mismong trike na puno ng sako ng copra matapos mapuruhan ng punglo sa katawan ang biktimang si Bernabe Gallor Estiller, barangay kagawad at residente ng Brgy. Sta. Lourdes.

Hindi naman nakilala ang mga suspek na tumakas patungo sa hindi malamang direksyon lulan ng motorsiklo.

Sa ulat, dakong alas-2:15 ng hapon, pababa ng bayan ang konsehal na minamaneho ang kanyang motorsiklo para mag-deliver ng saku-sakong kopra nang tambangan at pagbabarilin ng mga salarin.

Siniguro muna umano ng gunman na napuruhan ang biktima saka tumakas.

Nakuha sa lugar ang tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 baril habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek sa pamamaslang.

RIDING-IN-TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with