Ang biktimang nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ay nakilalang si Staff Sergeant Oscar Alegada, 43, nakatalaga sa Batuan Municipal Police Station at residente ng Brgy. Poblacion.
File
Pulis tinodas ng tandem
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang pulis nang ito ay malapitang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo, ka­makalawa ng gabi sa highway ng Brgy. Canvañez, Batuan, Masbate.

Ang biktimang nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ay nakilalang si Staff Sergeant Oscar Alegada, 43, nakatalaga sa Batuan Municipal Police Station at residente ng Brgy. Poblacion.

Sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa biktima, dakong alas-7:10 ng gabi ay kausap nito sa tabi ng highway ang isang Mylene Olarita, isang non-uniform personnel (NUP) nang biglang sumulpot ang gunman at malapitang binaril sa ulo ang pulis.

Nang bumulagta ay ilang ulit pang pinutukan sa ulo saka tumakas sakay ng motorsiklo ng kasama patungo sa hindi malamang direksyon.

Agad inilatag ng Masbate Police ang chokepoint at checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng bayan at karatig na lugar para masabat ang mga suspek.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masu­sing imbestigasyon ang motibo ng krimen kung saan personal na alitan at may kinalaman sa trabaho ang kabilang sa sinisiyasat na anggulo.  

PATAY RIDING IN TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with