NCRPO ‘di maipapangako kay VP Leni na walang mapapatay sa drug war
Danilo Garcia, Joy Cantos (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi maipapangako ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang “zero killings” sa drug war na nais mangyari ni Vice President Leni Robredo.

Ito ang sinabi ni NCRPO Director  Police Brig. Gen. Debold Sinas at bukas sila sa lahat ng mga pagbabagong nais ipatupad ng Bise Presidente, pero hindi nila maigagarantiya na wala ng mapapatay sa operasyon laban sa mga sindikato ng droga lalo na kung malalagay sa panganib ang buhay ng kanilang mga tauhan.

Ito’y matapos pormal nang tanggapin ni Robredo  ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na ma­ging co-chairman ng ICAD kung saan tahasang sinabi ng Bise Presidente na nais niyang matuldukan ang mga patayan at paglabag sa karapatang pantao sa drug war.

Iginiit ni Sinas na kailangang magdepensa ang mga pulis para sa kanilang kaligtasan habang isinasagawa ang mandato ng mga ito para sa kaligtasan ng bayan.

Tiniyak ni Sinas na lahat ng mga operasyon kontra droga  ng NCRPO anti-drug operatives ay nakasalig sa umiiral na batas at paggalang sa karapatang pantao.

Inihayag ni Sinas na handa ang NCRPO na isama sa anti-illegal drugs operations si Vice President Robredo, pero kailangan munang tiyakin ang kaligtasan nito.

Bukod kay Robredo ay makakatuwang nito bilang co-chairman ng anti-drug panel si Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino.

DRUG WAR NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with