Ayon kay Panelo, ha­hayaan lang nila ang Bise Presidente kung paanong maisasakatuparan na wa­lang malalagas na sinumang drug suspect at mga otoridd sa panahon ng anti-illegal drugs operation.
The STAR/KJ Rosales, file
Vice President Leni ipinapasama sa drug ops
Rudy Andal (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malalaman lamang kung ma­katotohanan ang target na ‘zero killings’ ni Vice President Leni Robredo sa war on drugs kung sasama siya sa anti-drug operations ng pulisya.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa nais nitong maging approach laban sa illegal drug trade. 

Ayon kay Panelo, ha­hayaan lang nila ang Bise Presidente kung paanong maisasakatuparan na wa­lang malalagas na sinumang drug suspect at mga otoridd sa panahon ng anti-illegal drugs operation.

Aniya, magandang barometro kung makakamit ang target ng Bise Presidente na zero killings kapag sumama ito sa mga operasyon at mula roon ay personal na masaksihan kung ano ang nagaganap sa ground.

Anya, sa ganitong pa­raan ay maaari nang ma­­kapagplano ang panga­lawang pangulo kung paano magtatagumpay sa kanyang misyon bilang bagong drug czar.

Tiniyak din ni Pa­nelo na hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa anumang diskarte na gagawin ni Rob­redo kung paano nito gagampanan ang mala­king responsibilidad na nakaatang sa balikat nito bilang drug czar.

Binigyang-diin pa ni Panelo na “accountable” pa rin ang bise-presidente kay Pangulong Duterte bilang alter ego nito.

Idinagdag ni Panelo na ito na rin ang pagkakataong itama ni VP Leni ang mga nakita niyang mali sa pamamaraan ng pagsugpo ng pamahalaan sa ipinagbabawal na gamot lalo’t may kapangyarihan na ito sa anti-illegal drugs effort sa ilalim ng Duterte administration.

LENI ROBREDO SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with