Ito ang inihayag ng pa­munuan ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) at pinabulaanan ang ilang akusasyon na nais ng pamahalaan na mabigo si Robredo nang alukin ni Pangulong Du­terte na maging drug czar.
Facebook/Leni Robredo
DILG: Ang kabiguan ni Leni, kabiguan din ng gobyerno
Mer Layson (Pang-masa) - November 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung sakali na mabigo si Vice President Leni Robredo sa kanyang laban kontra droga ay kabiguan din ito ng gobyerno.

Ito ang inihayag ng pa­munuan ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) at pinabulaanan ang ilang akusasyon na nais ng pamahalaan na mabigo si Robredo nang alukin ni Pangulong Du­terte na maging drug czar.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang anumang kabiguan ni Ro­b­redo sa kanyang bagong tungkulin ay magiging re­pleksiyon din ng adminis­trasyong Duterte, kaya’t hindi nila kailanman nanaising mabigo ito. 

Siniguro rin ni Malaya na magiging masaya ang ICAD na marinig ang mga panukala ng bise presidente para masugpo ang problema ng bansa sa ilegal na droga. 

Dagdag pa nito, nga­­yong bahagi na si Ro­bredo ng ICAD at magka­karoon na ang pamahalaan ng pagkakataon na masabi hinggil sa problema sa droga at makakagawa na ang bise presidente ng “informed criticism” sa drug war, sa halip na mga walang basehang alegasyon ang ibinabato nito sa pamahalaan. 

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with