Ang mga pasahero ng van na nasawi matapos salpukin ng kasalubong na pampasaherong bus kamakalawa ng gabi sa Zone 4, Brgy. San Vicente, Camarines Sur.
Jorge Hallare
Van, trike sinalpok ng bus... aksidente sa kalye: 8 utas
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pang-masa) - November 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang walong katao habang siyam ang malubhang nasugatan nang salpukin ng pampasaherong bus ang van at tricycle sa naganap na aksidente sa kalye, kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng highway ng Zone 4, Brgy. San Vicente, Camarines Sur.

Kinilala ang walong nasawi na sina Armani Calpe, 63, driver ng van ng Daet, Camarines Norte; Joepet Bernal; Irene Abas, 26; May Acdan, 42;  Josephon Golgota, 38; Mark Dave Doctor, 11 habang inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng dalawang babaeng nasawi.

Habang ang mga nasugatan ay nilalapatan ng lunas sa pagamutan ay kinilalang sina Josephine Necerio, 17; Gina Necerio, 37; Marilou  Alog, 40; Lucyl Golgota, 38 ; Lorena Sarmiento, 30; Marilyn Jubilo, 57; Dalhia Doctor, 36; Ariel Vidal, 44;  at Ralph Tibar.

Sa ulat ni Bicol Police Provincial Director Police Brig. Gen. Anthony Alca­ñeses, bago nangyari ang aksidente, dakong alas-8:00 ng gabi  ay bumabagtas ang JRV bus (EVP-129) na minamaneho ni Leo­­nardo Camu, 52, ng Ma­li­lipot, Albay patu­ngong May­nila nang tang­kain nitong mag-overtake sa isang tri­cycle.

Dahilan upang mabangga nito sa hulihan ang tricycle na ikinasugat­ ng mga pasaherong sina Josephine at Gina Necerio; at Alog.

At sa pag-overtake ng bus ay inokupa nito ang kabilang linya at sinalpok naman ang pampasaherong van na minama­neho ni Calpe, 63 at sa lakas nang banggaan ay agad nasawi si Calpe at pito niyang pasahero at anim dito ang nasuga­tan na nakilalang sina Golgota, 38; Sarmiento, 30; Jubilo, 57; Doctor, 36; Vidal, 44 at Tibar dahil sa pagkatanggal ng bubong at pag­ka­hati ng van.

Isa pang pasahero ng bus ay nasugatan din sa insidente habang ang dri­ver  ng bus  na nagtangkang tumakas ay naaresto sa follow-up operations.

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with