Bukod kay Bello, akusado rin sa kasong graft sina Ria Corazon Lano ng POEA Licensing Division at Noel Binag ng Occupational Safety and Health Center na umano’y kasabwat ng Kalihim sa iregularidad.
Geremy Pintolo/File
Sec. Bello, kinasuhan sa Ombudsman
Angie dela Cruz (Pang-masa) - November 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y pang-aabuso sa tungkulin kung kaya’t sinampahan ng  kasong katiwalian at treason sa tanggapan ng Ombudsman  ng grupong Solidarity for Sovereignty si Labor Secretary Silvestre Bello III at dalawang iba pa.

Sa reklamo na isinampa sa Ombudsman ni Adolfo Paglinawan, lead convenor ng grupo ang umanoy pag-aabuso sa kapangyarihan ni Bello gaya ng pagkakaroon nito ng  40 official travel abroad na isang uri ng paglustay sa pondo ng pamahalaan.

Mas marami pa umano ito sa biyahe ni dating Pre­sidential Commission on Urban Poor Chairman Terry Ridon na tinanggal sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte  dahil sa 7 biyahe sa abroad gayundin si Marcial Amaro, administrator  ng Maritime Authority na sinibak din sa puwesto dahil sa 24  na  travel abroad.

Ilan sa hindi nagustuhan ni Paglinawan ang uma­no’y pagpapalabas ng  lisensiya ng mga expired na  recruitment agency.

Kasong treason dahil sa kabila na pinakansela na ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang peace talks ng pamahalaan sa pagitan ng NDF ay nagawa pa rin umano ng Kalihimn na makipagkita kay NDF negotiator Joma Sison sa Netherlands.

Bukod kay Bello, akusado rin sa kasong graft sina Ria Corazon Lano ng POEA Licensing Division at Noel Binag ng Occupational Safety and Health Center na umano’y kasabwat ng Kalihim sa iregularidad.

SILVESTRE BELLO III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with