^

Binata dedo, gf sugatan sa tumbok ng bus

Raymund Cantindig (Pang-masa) - November 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 23-anyos na lalaki ang nasawi habang malubhang nasugatan ang kanyang kasintahan nang salpukin ng isang rumaragasang bus ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Brgy. Maxingal, Lal-lo, Cagayan nitong nakaraang Biyernes.

Sinabi ni Police Staff Sargeant Allen Olivas na nalagutan ng hininga habang ginagamot si Marcelo Los Baños sa ospital habang patuloy namang inoobserbahan ang kalagayan ng kanyang 16-anyos na nobya.

Ayon sa report, natumbok ang magkasintahan ng kasalubong na Dolozon Bus nang lumihis siya sa kabilang bahagi ng kalsada dakong alas-5:20 ng hapon.

Sa lakas ng pagkakabangga ay pumailalim si Los Baños at motorsiklo nito sa bus habang tumilapon sa ere at nagpagulung-gulong pa sa kalsada ang kanyang nobya.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng bus na si Candido Tolentino Jr., 54-anyos.

AKSIDENTE PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with