10-anyos todas sa 10-wheeler
Jorge Hallare (Pang-masa) - November 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang 10-anyos na totoy matapos magkalasug-lasog ang katawan makaraang sulpukin ng isang 10-wheeler van truck habang patawid sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Putiao sa bayan ng Pilar, Sorsogon, kamakalawa ng umaga.

Dead-on-arrival sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City ang biktimang si John Vincent Madrideo, residente ng Purok Riverside ng nasabing barangay.

Kusang-loob namang sumuko sa mga otoridad ang driver ng truck na si Joebert Distreza Hilado, 36-anyos, residente ng Cabuyao, Laguna.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga, mabilis na binabaybay ng truck (CAH-3710) ang kahabaan ng national highway nang masalpok nito ang patawid na biktima.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ng ilang metro sa kalsada ang bata na agad isinugod sa naturang pagamutan pero ‘di na umabot nang buhay habang boluntaryo namang sumuko sa Pilar Police si Hilado.

TRUCK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with