Nawasak ang unahan at kanang bahagi ng Elavil Bus Lines nang bumangga sa nakaparadang dump truck na puno ng graba na kung saan nasawi ang tatlong katao at pagkasugat ng walo.
Jorge Hallare
Bus vs trak: 3 utas
Jorge Hallare (Pang-masa) - November 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang tatlong katao habang tatlo ang malubhang nasugatan matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang bus sa nakaparadang dump truck naganap kamakalawa sa boundary ng Brgy. Bel-Cruz at Brgy. Tanawan, Lupi, Camarines Sur.

Ang mga nasawi ay kini­lalang sina Adrian Si­gue, 23, ng Catbalogan, Eastern Samar; Anacleto Golingan Jr., 70, ng Camarin, Caloocan City; at isang nakilala sa alyas “Edith”.

Nasa malubhang kala­gayan sa ospital ang mga nasugatang sina Michael Castro, 41; Serdo Castro, 41, pawang residente ng Sorsogon City; at Rodmar Berre, 23, ng Catbalogan.Habang ang lima pang pasahero ay galos lang ang natamo.

Sa ulat, bago naganap ang aksidente, dakong alas-2:30 ng madaling­ araw ay mabilis na bina­bagtas ng Elavil Bus Lines (TYX-418) mula Visayas na minamaneho ni Reden Alday, 44, ang kahabaan ng Andaya Highway patungong Metro Manila nang hindi umano napansin ng driver ang nakaparadang dump truck na kargado ng graba.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nawasak ang unahan at kaliwang bahagi ng bus na agad ikinamatay ng tatlong biktima at ikinasugat ng walong iba pang pasahero.

Ang driver ng bus ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resul­ting in multiple homicide at multiple serious physical injuries.

ADRIAN SI­GUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with