54-anyos na lalaki patay sa meningo
Omar Padilla (Pang-masa) - October 31, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 54 anyos na lalaki na taga Bustos, Bulacan ang namatay sa sakit na meningococcemia, noong Lunes ng gabi matapos ang limang araw na pagkaka-confine sa San La­zaro Hospital sa Maynila.

Unang dinala ang la­laki sa Bustos Community Hospital at agad na inilipat din noong October 23 sa Baliwag District Hospital.

Nakatanggap ng report ang Baliwag District Hospital mula sa San Lazaro Hospital na namatay na ang nasabing lalaki.

Kinumpirma rin ng San Lazaro Hospital na meninggococcemia ang ikinamatay ng lalaki matapos ang mga laboratory test sa nasabing pasyente.

Ayon kay Dr. Lito Trinidad, hepe ng Baliwag District Hospital, inispreyan na nila ng disinfectant ang emergency at ward room ng nasabing ospital kung saan na-confine ng isang araw ang lalaki.

Sinaksakan din ng prophylaxis, isang antibiotic ang mga nurses at ibang pasyente na nakasama ni Manuel sa emergency at ward room ng nasabing ospital.

MENINGOCOCCEMIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with