^

Police Metro

Drug pusher na doktor, tiklo

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad sa isang drug buy-bust operation ang isang resident surgeon doctor ng isang malaking ospital sa Davao City kahapon ng madaling araw sa Suazo St., Brgy. 28-C ng lungsod.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si John Perrett Herrera, alyas “John”, 33, residente sa nasabing lugar at kasama sa drug watchlist ng pulisya.

Sa ulat, isang pulis ang nagpanggap na buyer at nakabili sa suspek ng isang piraso ng plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

Nang matanggap na ang items ay dito na sumensyas ang poseur bu­yer at inaresto ang suspek.

Nasamsam din sa suspek ang karagdagang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P10,000., isang cell phone, syringe at isang kotse na Toyota Vios na kulay pula.

Nabatid na ang ka­ramihan sa mga parok­yano ng suspek ay mi­yembro umano ng LGBT community at mga tao na kanyang nakikilala sa pamamagitan ng social media application na Grinder at isa rin itong resident doctor/surgeon na empleyado ng ospital.

vuukle comment

JOHN PERRETT HERRERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with