^

Police Metro

Pulis utas, 3 sugatan sa NPA encounter

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang pulis habang ang tatlo nitong kasama ang nasugatan nang makasagupa ang grupo ng teroristang New People’s Army (NPA) sa Brgy. Burgos, San Guillermo, Isabela, kamakalawa.

Ang nasawi ay kinila­lang si Patrolman Henry Tummap Gayaman, nasapul ng mga tama ng bala sa katawan. Habag nasugatan sina Police Corporal Edieboy Tumaliuan Vinasoy; Patrolmen Stephen Widay Olosan at Alfred Taliano; pawang miyembro ng 205th  Mobilc Company ng Regio­nal Mobile Force Battalion (RMFB).

Sa ulat ng Isabela Police, bago nangyari ang bakbakan sa liblib na lugar sa Brgy. Burgos, San Guiller­mo, Isabela bandang alas-5:07 ng umaga ay kasalukuyang nagsasagawa ng security operations ang mga pulis nang masabat ang armadong grupo ng mga rebelde na nauwi sa bakbakan at tinamaan ang nasabing mga pulis.

Pinaniniwalaan namang nalagasan din ng puwersa ang grupo ng mga rebelde na nakasagupa ng mga operatiba ng pulisya base sa mga bakas ng dugo sa lugar na dinaanan ng mga ito sa pagtakas.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with