^

Police Metro

27 pang kaso sa PMA maltreatment iimbestigahan

Joy Cantos - Pang-masa
27 pang kaso sa PMA maltreatment iimbestigahan
Base sa rekord ng AFP Inspector Gene­ral, 52 sa mga kadete ay isinailalim sa kustodya habang isinasailalim sa imbestigasyon kung saan nangyari ang pangma-maltrato sa mga kinawawang kadete simula sa Setyembre 16 hanggang 27 ng taong ito.
File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine Militart Academy (PMA) Commandant of Cadets Brig. Gen. Romeo Brawner Jr., na iniim­bestigahan na nila ang 27 kaso ng hazing o pagmamaltrato na nadiskubre lamang matapos na mamatay si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Base sa rekord ng AFP Inspector Gene­ral, 52 sa mga kadete ay isinailalim sa kustodya habang isinasailalim sa imbestigasyon kung saan nangyari ang pangma-maltrato sa mga kinawawang kadete simula sa Setyembre 16 hanggang 27 ng taong ito.

Samantalang 38 sa mga akusado ay 3rd Class Cadets o mga Sophomore, pito ang 2nd Class at 1st Class o junior at senior cadets na isinasalang sa imbestigasyon ng Department of Tactical Officers ng PMA sa lungsod ng Baguio. Lima naman sa mga kinukuwestiyong kadete ay mga kababaihan .

Nabatid na nitong Setyembre 27 ay umaabot na sa 22 mga 4th Class Cadets o mga plebo ay nasa iba’t ibang mga pagamutan dahilan sa pangmamaltrato.

Magugunita na pitong kadete, dalawang tactical officers at tatlong doktor ang sinampahan ng kasong kriminal kaugnay ng kaso ng pagkamatay ni Dormitorio.

vuukle comment

PHILIPPINE MILITART ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with