Guro na angkas sa motor, dedbol sa trak
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 39-anyos na high school teacher ang nasawi matapos mabundol at magulungan ng trak habang nakaangkas sa motorsiklo sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Elsa May Enrique-Atega, guro sa Maypajo High School at nakatira sa Block 39, Lot 18, Phase 2, Area 2, Kaunalaran Village, Navotas City. Habang sugatan naman ang co-teacher niya na si Leo Cantilang, 31, ng Tindalo Street, Tondo, Maynila.

Nadakip ng mga pulis ang suspek na si Jaynard Ibuyat, 32, driver ng International Harvester, na may trailer na may plakang TUE667, at nakatira sa No. 1 Rolling Lane, Batasan Hills, Quezon City.

Sa ulat, bago naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa tapat ng bagong tayong shopping mall sa may C4 Road, Brgy. Longos ay kapwa binabagtas ng trailer truck at ng motorsiklo na minamaneho ni Cantilang at angkas si Atega ang eastward lane ng C4 Road.

Dito ay iniwasan umano ng track ang isang pampasaherong jeep na biglang huminto sa kaniyang harapan at pagkabig ng manibela ay dito niya nasagi ang motorsiklo na kinalululanan ng mga biktima dahilan para tumilapon ang dalawa sa kalsada.

Minalas na napailalim sa trak si Atega at nagulungan ang kaniyang ulo dahilan ng kaniyang agad na pagkasawi.

ELSA MAY ENRIQUE-ATEGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with