18 lugar mataas ang banta ng landslide
Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Labingwalong lugar sa Pilipinas ang tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources- Mines and Geoscience Bureau (DENR-MGB) na kinakitaan ng mataas na panganib ng pagguho ng lupa.

Ito ay ang Benguet, Mountain Province, Abra, Nueva Vizcaya, Davao Oriental, Ifugao, Aurora, Apayao, Quirino, Kalinga, Camiguin, Southern Leyte, Sarangani, Siquijor, Quezon, Bukidnon, Romblon, at Negros Oriental. 

Kaya’t binalaan ng DENR MGB ang lahat ng mga local executives sa nabanggit na mga lugar na gumawa ng mga kaukulang contingency measures upang mapaghandaan at maiwasang mabiktima ng landslides ang mga nasasakupang lugar sa bansa.

Ang babala ng MGB ay kasunod ng naganap na malakas na lindol na magnitude 6.3 na tumama sa Mindanao noong Miyerkules. 

Ayon kay Atty.Wilfredo Moncano, director ng MBG ang pagkamatay na dulot ng anumang natural disaster ay mababawasan kung hindi man maiiwasan sa pamamagitan ng preparasyon at tamang pagpapakalat ng impormasyon para rito.

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with