Binata pinalakol ng amain
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

Laging nagpapasaring kapag lasing...

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 23-anyos na binata na si Dennis Degado Dagala nang siya ay pagpapala­kulin ng kanyang amain na sumabog na ang itinatagong galit dahil sa mga ginagawang pasaring kapag umuuwi itong la­sing naganap kamakalawa ng gabi sa Sitio Rumang­rang, Brgy. Liliongan, Carmen, North Cotabato.

Batay sa ulat, alas-9:45 ng gabi nang duma­ting sa kanilang bahay ang biktima na lango sa alak at dito ay pinasaringan ang kanyang amain na si Jonny Layoan Takin­ding, 40.

Napuno na ang suspek sa biktima na lagi umanong ginagawa tu­wing uuwi na lasing kaya’t nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng palakol ang suspek at pinalakol ng maraming beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang biktima ay dinala sa Provincial Hospital, Amas Kidapawan City, subalit idineklarang dead- on-arrival.

Sumuko naman ang suspek sa Carmen Municipal Police Station.

DENNIS DEGADO DAGALA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with