Pinagtutulungan ng mga bumbero na patayin ang mga nasusunog na kabahayan kahapon sa Quiricada St., Sta.Cruz, Maynila. Umabot ng Task Force Bravo ang sunog bago ito naideklarang under control.
KJ Rosales
100 bahay sa Maynila, nasunog
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa 100 kabahayan ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog sa Quiricada St., Sta. Cruz, Maynila, kahapon.

Sa report ng Bureau of Fire Protection, alas-11:50 ng tanghali nang magsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay sa 1606 Quiricada St., na pag-aari ng Jennifer Garcia na mabilis na kumalat sa mga katabing bahay dahil gawa sa mga light materials.

Nabatid kay Manila Disaster Risk Reduction Ma­nagement Office chief Arnel Angeles ang nasunog na residential area ay likuran lamang ng Manila Central Fire Station at harap ng San Lazaro Hospital, ligtas naman sa insidente ang kalapit na health center.

Nahirapan aniya ang mga bumbero na pasukin ang lugar kung saan nasa looban ang bahay na pinagmulan ng sunog dahil dikit-dikit ang mga bahay at wala nang madaanan upang mapasok ng mga bumbero.

Bandang ala-1:37 ng tanghali nang ideklarang fire under control ang sunog.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with