Ang tatlong pulis ay sangkot din sa anti-illegal drug raid noong Nobyembre 2013 kung saan naganap ang drug recycling sa Mexico, Pampanga noong Nobyembre 2013 na siyang dahilan nang pagbibitiw sa puwesto ni dating PNP Chief of Police Oscar Albayalde na noon ay dating chief of police ng Pampanga.
Geremy Pintolo
3 ‘ninja cops’ sinibak sa serbisyo
Joy Cantos (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinibak na sa serbisyo ang tatlong pulis na tinaguriang mga “ninja cops” na sangkot sa kontrobersyal na anti-illegal drug ope­ration sa Antipolo City, Rizal noong Mayo ng taong ito.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa na nilagdaan na niya ang dismissal order ng mga pulis na kinilalang sina Master Sergeant Donald Roque; Master Sergeant Rommel Vital; at Corporal Romeo Guerrero.

“I received the folder on October 17 and I approved the dismissal of the three,” pahayag ni Gamboa.

Ang tatlo kasama si Police Lt. Joven de Guzman ay inirekomendang madismis sa serbisyo ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) kaugnay ng Antipolo City drug raid na nagsimula sa panghaharang ng mga ito sa isang motorista sa checkpoint sa lungsod noong Mayo.

Pinaharurot ng biktima ang behikulo matapos itong umiwas sa checkpoint na hinabol ng nasabing mga pulis at ni-raid ang bahay ng nasabing motorista.

Muling ini-refer ni Gamboa ang folder ng nasabing report sa PNP-IAS upang irebyu ang kaso ni De Guzman dahil hindi ito puwedeng madismis matapos na mababang kaso lamang ang naisampa laban dito.

Pinatawan ni Gamboa si De Guzman ng 59 araw na pagkakasuspinde bunga ng kontrobersyal na isyu.

Nabatid na ang apat na pulis na itinalaga sa Antipolo City ay galing sa Mindanao matapos na hilingin ng Prosecutor’s Office ng Pampanga na maibalik ang mga ito upang mada­ling maiprisinta sa korte sa paglilitis ng mga kasong kanilang kinakaharap.

Ang tatlong pulis ay sangkot din sa anti-illegal drug raid noong Nobyembre 2013 kung saan naganap ang drug recycling sa Mexico, Pampanga noong Nobyembre 2013 na siyang dahilan nang pagbibitiw sa puwesto ni dating PNP Chief of Police Oscar Albayalde na noon ay dating chief of police ng Pampanga.

NINJA COPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with