Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa simula pa lamang ay nagsabi na ang Malacañang na anuman ang maging pasya ng mga kinauukulan laban kay Albayalde na inim­bestigahan din ng Senado ay igagalang nito.
Geremy Pintolo
Albayalde kinasuhan na ng CIDG
Rudy Andal (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinama kahapon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pangalan ng nagbitiw na si PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa isinampang reklamo sa 13 Pampanga “ninja cops” na nagre-recycle ng droga sa referral complaint na ipinadala sa Department of Justice na muling bubuksan ang imbestigasyon.

Si Albayalde, dating Pampanga police chief, ay kinasuhan kasama ang 13 niyang dating tauhan ng graft, qualified bribery, falsification of public documents, dereliction of duty, and violation of the Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Iginagalang naman ng Palasyo ang naging pasya ng CIDG sa pagsasampa nila ng kaso laban sa dati nilang boss at 13 “ninja cops” sa DOJ.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa simula pa lamang ay nagsabi na ang Malacañang na anuman ang maging pasya ng mga kinauukulan laban kay Albayalde na inim­bestigahan din ng Senado ay igagalang nito.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with