Kolumnista, kasama patay sa tandem
Joy Cantos (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang ko­lumnista ng isang tabloid at kanyang kasama nang sila ay pagbabarilin ng mga armadong kalala­kihan sa naganap na ambush sa highway ng Brgy. Calucud, Arayat, Pampanga kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jupiter Gonzales, kolumnista at kasama nitong si Christopher Tiongson.

Sa ulat, bago nangyari ang ambush, dakong alas-10:30 ng gabi ay sa­kay ang mga biktima ng Nissan Alemra (AQA-8441) na minamaneho ni Gonzales patungong Olangapo-Gapan Road nang sumulpot ang riding in tandem na mga suspek at sila ay pinagbabaril dahilan para sumalpok sa malaking ‘plant box’ sa tabi ng highway.

Napuruhan sa pamamaril si Tiongson na agad binawian ng buhay sa insidente habang mabilis namang nagsitakas ang riding in tandem patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Bagaman nagawa pang maisugod sa pa­gamutan si Gonzales ay nabigo nang maisalba ang buhay nito.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na binibira ni Gonzales sa kanyang kolum sa diyaryo ang pamamayagpag ng mga ilegal na peryahan sa lugar na isa sa motibong sinisilip ng mga otoridad sa kaso.

PAGBABARILIN NG MGA ARMADONG KALALA­KIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with