Sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas-12:45 ng tanghali ay nag-away ang mag-asawa dahil sa pagseselos ng lalaki na ang biktima umano ay nagpapaligaw.
File
Misis inutas, mister nagsaksak
Jorge Hallare (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay ang isang 42-anyos na misis nang siya ay pagta­tagain ng kanyang selosong mister na nagsaksak din sa sarili nang malamang napatay nito ang misis naganap kamakalawa sa loob ng kanilang kubo sa Brgy. Tula-Tula Pequeno, Ligao City, Albay.

Ang nasawi dahil sa mga tinamong taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Marites Patiga. Habang ang suspek na mister nito ay nakila­lang si Segundo, 46, na nagpapagaling ng sugat nang magsaksak sa sarili,

Sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas-12:45 ng tanghali ay nag-away ang mag-asawa dahil sa pagseselos ng lalaki na ang biktima umano ay nagpapaligaw.

Pinabulaanan ng ginang ang bintang ng mister at sa gitna nang kanilang pagtatalo ay kumuha ng itak ang huli at pinagtataga ang una.

Nang nakitang hindi na kumikilos ang misis ay saka nagsaksak din sa tiyan ang mister.

Ang mag-asawa ay kapwa isinugod ng mga kaanak sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital na kung saan ay idineklarang patay ang ginang.

PAGTA­TAGAIN NG KANYANG SELOSONG MISTER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with