^

Police Metro

Fliptop rapper inutas sa harap ng lover

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang 35-an­yos na Fliptop rapper matapos itong barilin sa harap ng kanyang live-in partner ng nag-iisang suspek kamakalawa ng hapon sa Barangay Carsadang Bago 1, Imus City, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Jon Ross Delos Santos o mas kilala bilang Fliptop rapper na si LilJohn, ng Brgy. Tambo, Parañaque City.

Batay sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen, alas-5:30 ng hapon sa main road ng Legian 2B Subdivision ng nasabing barangay ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo angkas ang live-in partner na si Danielyn Licup, 18, at pansamantalang pumarada sa lugar upang bumili ng ulam nang big­lang sumulpot ang suspek na armado ng cal. 45 pistol at agad binaril nang malapitan ang biktima na duguang tumilapon mula sa motorsiklo. Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima subalit nabigo nang mailigtas ang buhay nito.

Sa pahayag ni Licup, na may ibang ka-relasyong babae ang kanyang biktima na bagaman masakit sa kanya ay tinanggap na lamang nito.

vuukle comment

JON ROSS DELOS SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with