Sa sketchy report ng pulisya, nabatid na alas-10:00 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang mga pulis hinggil sa naganap na pamamaril sa Block 7E, Southville 9, sa Barangay Pinugay.
File
2 kabataan bulagta, 3 sugatan sa pamamaril
Mer Layson (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ng hindi nakikilalang suspek ang limang katao habang nagpapahinga ang mga ito sa loob ng kanilang bahay sa Baras, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kapwa hindi na umabot sa ospital ang mga biktimang sina Jeszabel Tolibas,11, estudyante, at Leimuel Tolibas, 20, out-of-school youth, habang sugatan naman sina John Joven Tolibas, 9; Erica Tolibas, 16, at Ricky Capistrano dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Sa sketchy report ng pulisya, nabatid na alas-10:00 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang mga pulis hinggil sa naganap na pamamaril sa Block 7E, Southville 9, sa Barangay Pinugay.

Nang rumesponde ang mga otoridad ay natagpuan ang mga sugatang biktima na isinugod sa pagamutan ngunit dead on arrival sina Jeszabel at Leimuel.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo nang pamamaril sa mga biktima.

JESZABEL TOLIBAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with