NBI pinatutugis ang ‘utak’ sa casino scam
(Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinatutugis sa National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y utak sa halos isang bilyong investment scam na naganap sa loob ng isang casino sa Parañaque City matapos lumutang ang ilang mga nagpapakilalang biktima ng nasabing modus.

Ayon sa abogadong si Ronald Renta, hindi dapat sayangin ng NBI at ng iba pang law enforcement agencies ang nag-uumapaw na ebidensya na nagtuturo sa isang Marlon Muya na siyang umano’y hinihinalang nasa likod ng nasabing investment scam. Si Renta ay tagapagtanggol ni Raymond Galang na kamakailan ay inaresto ng NBI kahit umano walang bitbit na warrant of arrest sa loob ng isang casino hotel sa kasong “attempted estafa” kaugnay sa nasabing scam. 

Matapos ang inquest proceeding, si Galang ay pina­yagang makapag-poste ng P2,500 bail ng Parañaque City Prosecutor’s Office para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Sa isang pahayag sa pamamagitan ng kanyang abogado, ikinalungkot ni Galang ang naganap na iskandalo nang siya ay sapilitang arestuhin at kaladkarin ng grupo ng NBI- Special Task Force (STF) sa loob ng casino hotel noong  Oktubre 8, 2019. 

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with