Ayon kay Carpio, ginagawang katatawanan ni Marcos ang proseso sa pagpupumilit na ituloy pa ang kanyang kaso.
Boy Santos
Protesta ni Bongbong, ibasura na! - Carpio
(Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas lumaki pa umano ang lamang ni Vice President Leni Robredo kay dating Senador Bongbong Marcos.

Ito ang kinumpirma ng opisyal ng  Presidential Electoral Tribunal (PET) na si acting Chief Justice Antonio Carpio batay sa committee report na inilabas na kung saan ay nakakuha ng dagdag na 15,093 boto si Robredo matapos ang manual initial recount na inilabas na isinagawa sa mga lalawigan ng Iloilo, Negros at balwarte nitong Camarines Sur na mga probinsiyang pinili mismo ni Marcos.

Kaya sa naging resulta ay idiniin ni Carpio na dapat nang ibasura ang protesta ni Bongbong. 

Ayon kay Carpio, ginagawang katatawanan ni Marcos ang proseso sa pagpupumilit na ituloy pa ang kanyang kaso. 

Alinsunod ang pagbasura ng protesta sa sariling panuntunan ng PET, na nagsasabing dapat malaki ang mabawi ni Marcos sa recount, upang payagang ituloy ito. 

Sa mga pahayag kamakailan, sinabi ng Makati Business Club at ng iba pang mga grupo ng mga negosyante na dapat ay agaran nang maresolba ang kaso, upang mabawasan ang pag-aalinlangan ng ibang investors dahil sa “political at judicial uncertainty” sa bansa.

LENI ROBREDO PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with