Ayon kay Sen. Go, na sa ngayon ay “allowance” lamang ang tinatanggap ng mga barangay official at walang regular na sahod sa kabila na sila ang ‘front runner’ at first responder kapag may kaganapan sa kanilang lugar.
File
Barangay officials, bigyan na ng suweldo - Sen. Go
(Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinulong ni Sen. Bong Go ang panukalang batas na magbibigay ng suweldo at benepisyo sa mga barangay official sa bansa.

Ayon kay Sen. Go, na sa ngayon ay “allowance” lamang ang tinatanggap ng mga barangay official at walang regular na sahod sa kabila na sila ang ‘front runner’ at first responder kapag may kaganapan sa kanilang lugar.

Inihain ni Sen. Go, noong Biyernes ang Senate Bill No.391 o Barangay Service Compensation Act na naglalayon na bigyan ng suweldo at benepisyo ang mga barangay official sa bansa.

Kinikilala ng Senador mula sa Davao City ang ma­laking partisipasyon at ambag ng mga barangay official para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Kabilang sa panukalang batas ng senador ay mabig­yan din ng hazard pay at iba pang allowance ang mga barangay workers dahil sa uri ng kanilang trabaho na tagapagpatupad ng batas sa kani-kanilang nasasakupan.

Dagdag pa ng senador, panahon na para kilalanin ang serbisyo at pagod sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng nararapat na kompensasyon bilang unang takbuhan at hinihingan ng tulong ng mga mamamayan.

ALLOWANCE BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with