^

Police Metro

BIR pinuri sa pagpapasara sa mga POGO

Mer Layson - Pang-masa
BIR pinuri sa pagpapasara sa mga POGO
Ayon kay Cong. Eric Yap, Chairman ng Committee on Games and Amusement sa Kongreso, makatwiran lamang ang patuloy na ginagawang pagsalakay ng BIR sa mga pasaway na sangay ng POGO.
AFP

MANILA, Philippines — Dahil sa kanilang paghabol at pagpapasara sa ilang sangay ng Phi­lippine Offshore Ga­ming Operation (POGO) na hindi nagbabayad ng buwis sa gobyerno ay pinuri ng ACT-CIS partylist ang pamunuan Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon kay Cong. Eric Yap, Chairman ng Committee on Games and Amusement sa Kongreso, makatwiran lamang ang patuloy na ginagawang pagsalakay ng BIR sa mga pasaway na sangay ng POGO.

Batay sa ulat, na natanggap ni Yap, nasa P100-milyon na buwis ang hindi ibinayad sa pamahalaan ng Altech Innovations Business Out­sorcing na may tanggapan sa Parañaque at Pasay na siyang pinakahuling ipinasara ng BIR. 

Nasa mahigit sa 1,000 empleyado na pawang Chinese ang pinauwi muna ng mga tauhan ng BIR sa kanilang bahay sa Parañaque at Pasay City habang sarado pa ang kanilang kompanya.

Natutuwa ang ACT-CIS sa pagiging masigasig ng Task Force POGO sa paghahabol sa mga kahalintulad na kompanya na gustong lokohin ang gobyerno.

Anya, hindi puwede na hindi sila magbayad ng buwis lalo na ngayon ay kailangan na kaila­ngan ng dagdag na kita ng gobyerno para tustusang ang napakaraming proyekto ng ipinatatayo ng Duterte administration.

vuukle comment

PHI­LIPPINE OFFSHORE GA­MING OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with