Tuguegarao City, ginawaran ng SGLG ng DILG
Raymund Catindig (Pang-masa) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatanggap sa unang pagkakataon ang lungsod ng Tuguegarao ng Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Governmen (DILG)kasama ang dalawa pang lungsod sa buong region 2.

Sinabi ni Mayor Jefferson Soriano na pumasa sa pagsusuri ng kagawaran ang mga innovations at transparency policies ng lokal na pamahalaan bunsod ng matapat at mabilis na serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Ani Soriano, ang nasabing parangal ay hindi matatamasa ng lungsod kung wala ang masipag at masigasig na suporta ng mga opisyal, kawani ng lokal na pamahalaan at ang mamamayan ng Tuguegarao City.

Ang SGLG ay hango sa naunang ipinatupad na Seal of Good Housekeeping (SGH) ng DILG na ang layunin ay bigyang pugay ang integridad at pagtatrabaho ng mga local government units (LGUs) upang mabigyan ito ng sigasig upang higitan pa ang kanilang accomplishments.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with