Kawani ng DPWH, nilamon ng lupa
Jorge Hallare (Pang-masa) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang manggagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang wala nang buhay nang maihaon ng kanyang mga kasamahan matapos matabunan ng lupa na kanilang hinuhukay sa tabi ng national highway ng Purok-2, Brgy. Bactas sa bayan ng Basud, Camarines Norte, kamakalawa ng umaga.

Umabot pa ng ilang minuto bago nahukay at naisugod ng mga kasamahan sa ospital pero dineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Emmanuel Mocali Orada, 36-anyos, at residente ng Purok-2, Brgy. San Felipe.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga, nag­huhukay ang biktima kasama ang isang Michael Villagomez sa tabi ng kalsada nang biglang gumuho ang lupa at tumabon sa biktima.

Nakatakbo naman agad kaya nakaligtas ang kasamahang si Villagomez.

Matapos na maihaon mula sa hukay at tumabong lupa ay agad isinugod sa Leon Hernandez Hospital sa bayan ng Daet pero ‘di na umabot nang buhay ang biktima.

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with