Parking attendant itinumba sa Binondo
Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot pang buhay sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang 32-anyos na biktima na si Marlon Lacsina, may-asawa, nakatalaga bilang parking attendant sa CM Recto Ave., sa bahagi ng Binondo, Maynila .

Sa salaysay ng kasamahang parking attendant ng biktima sa mga otoridad, kabababa pa lang nila sa motorsiklo nang isang ‘di kilalang lalaki ang lumapit at walang sabi-sabing pinaputukan nang magkakasunod ang biktima, dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Duguang bumagsak ang biktima matapos magtamo ng bala sa baba at dibdib habang ang gunman ay sumakay sa naghihintay na motorsiklong minamaneho ng isa pang suspek na humarurot sa direksiyon ng Elcano St.

Sa imbestigasyon, may mga natanggap na banta sa buhay ang biktima simula nang itinalaga bilang team leader ng MTPB parking attendants sa area ng CM Recto, sa Binondo.

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with