Ang dalawa sa tatlong napatay ay kinilalang sina Boy Ali Dilalagan Lumilis alyas “Boy” at Jordan Abdullah; pawang nasa hustong gulang.
File
3 holdaper dedo sa barilan
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Todas ang tatlong sinasabing kilabot na holdaper nang pumalag at makipagpalitan ng putok sa mga aarestong pulis naganap sa Brgy. RH-10, Cotabato City, nitong Biyernes ng hapon.

Ang dalawa sa tatlong napatay ay kinilalang sina Boy Ali Dilalagan Lumilis alyas “Boy” at Jordan Abdullah; pawang nasa hustong gulang.

Patuloy namang ina­alam ang pagkakakilanlan ng isa pang kasamahan ng dalawa.

Ayonkay P/Captain Rostum Pastolero, hepe ng police station 2, una silang tumanggap ng impormasyon na may tatlong kalalakihan umano na sakay ng trike na may kahina-hinalang ikinikilos sa nasabing lugar, pasado alas-5:00 ng hapon.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa pangu­nguna ni Pastolero at naaktuhan na isa sa tatlong mga suspek ang tumutok ng baril sa isang tricycle driver na may sakay na mga estudyante.

Nilapitan ni Pastolero ang mga ito pero nagpaputok ng baril ang isa sa tatlo hanggang sa mauwi sa shootout kung saan napatay ang tatlong suspek.

Patuloy ang imbes­tigasyon sa naturang insidente.

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with