2 SWAT sa Bilibid, tiklo sa alak at tabako
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) unit na nakatalaga sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City ang nasa ‘hot water’ ngayon matapos mahulihan ng alak at tabako sa loob ng naturang bilangguan.

Pansamantalang itinago muna ni Bureau of Correction (BuCor) Spokesperson Major Alberto Tapiru ang pagkakakilanlan sa dalawang pulis habang isinasagawa ang imbestigasyon ukol sa pagkakadiskubre sa kanila ang dalawang bote ng alak at 60 piraso ng tabako.

Sa ulat, alas-11 ng umaga nang madiskubre ang bitbit na alak at tabako ng dalawang tauhan ng SWAT sa Control Gate 4 ng maximum compound ng NBP.

Kung ibebenta sa loob ng Bilibid, mabibili ang isang litro ng alak sa halagang P6,000 at P4,000 naman kada isang piraso ng tabako na tinatangkilik ng mga presong mayayaman.

Bukod sa kanila, isa pang bilanggo ang nahulihan ng 54 sticks ng sigarilyo.

Nakatakdang sampahan ng kasong administratibo ang dalawang pulis na sinabi ni Tapiru na kapwa bagong talaga pa lamang sa NBP.

NEW BILIBID PRISONS SWAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with