5 drug pusher timbog sa P600 milyong shabu sa checkpoint
Joy Cantos (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang drug pusher, kabilang ang isang babaeng buntis ang nalambat ng mga otoridad sa isang police checkpoint at nakumpiska ang nasa P600 milyon halaga ng shabu, kamakalawa ng hapon sa Brgy, Buñagan, Gandara, Samar.

Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Cesar Uy; Steven Perez; Elbert Abella; Leonard delos Reyes at ang buntis na ginang na si Jeralou Laborte.

Ayon kay Eastern Visayas Police Director Police Brig. Gen. Dionardo Carlos, bandang alas- 4:30 ng hapon nang maharang sa checkpoint ang 88 kilo ng shabu na sakay sa  kulay abong Mitsubishi Lancer (XTE 453) at kulay itim na Nissan Sentra  (ZLV 463), sa kahabaan ng Maharlika highway, Brgy. Buñagan, Gandara ng lalawigan.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Carlos na ang mga suspect ay matagal ng minomonitor ng mga otoridad matapos na makatanggap ng impormasyon na may shipment ng shabu na idaraan sa lugar patu­ngong Cebu.

Sa pahayag naman ni Police Col. Andre Dizon, Provincial Police Office (PPO) Director ng Samar Police, ang dalawang behikulong pinagkargahan ng bulto ng droga ay galing sa Calbayog City.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with