Aussie, Pinay pinatay sa kotse
Joy Cantos (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang Australyano at kaibigan nitong Pinay habang nasugatan ang mister ng huli habang nakaligtas ang 2-anyos nilang anak matapos na sila ay pagbabarilin sa loob ng kasamang Australyano sa loob ng sasakyan, kahapon sa Olongapo City, Zambales.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Anthony George Wilson, 61, Australian, Pinay na si Mila Bailey, 41; naninirahan sa 133 national highway, Bo. Barreto ng lungsod.

Habang sugatan naman ang mister ng ginang na si Wayne Bailey, 71, driver ng behikulo at nakaligtas ang 2-anyos na anak ng mag-asawang Bailey nang ito ay hindi galawin ng suspek na si Michael J. McLaren, Australian national.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen alas-10:30 ng umaga sa kahabaan ng Rizal Avenue malapit sa Ulo ng Apo Rotonda 1, West Bajac Bajac ng lungsod ay minamaneho ni Wayne ang kanilang kulay ubeng Sedan Mitsubishi Mirage na may conduction sticker B1 D469 na kung saan ay pasahero si Wilson at ang suspek na si McLaren nang walang kaabog-abog na sila ay pagbabarilin.

Napuruhan sina Wilson at Mila na kumitil sa buhay nila habang mabilis na isinugod sa James L. Gordon Memorial Hospital ang mister ng huli at nagawang ituro sa mga otoridad ang suspect na si McLaren na naaresto sa isang follow-up operation.

Hinala ng pulisya na may kinalaman sa negosyo ang motibo ng krimen.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with