Lalaki na may agimat nagbaril sa ulo, todas
Jorge Hallare (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa paniniwala ng isang 29-anyos na lalaki na hindi siya tatablan ng bala dahil sa taglay na agimat ay sinubukan nitong barilin ang kanyang sentido, su­balit pumutok ito na naging dahilan ng kanyang kamatayan naganap sa Sitio Portico, Brgy. Fabrica, Bula, Camarines Sur.

Ang nasawi ay nakila­lang si Rusel Cledera.

Iniimbestigahan naman ang kanyang mga kainuman at kasama­hang helper na sina Apollo Pagto­­lonan, 27; at Surand Jonathan Lebrando, 28.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen, dakong ala-1:45 ng hapon ay nag-iinuman ang tatlo sa loob ng tindahang binabanta­yan na pag-aari ng pamilya Pagtolonan.

Kumuha ung Kalibre 38 baril ang biktima at habang pinaglalaruan ay ipinagyabang na meron siyang taglay na agimat at hindi siya tatablan ng bala.

Subalit, nang itutok sa kanyang sintido ay aksidenteng pumutok ang baril dahilan para duguang tumimbuwang sa harap ng mga kainuman na agad nitong ikinasawi.

Ang biktima at dala­wang kasama ay isasailalim sa paraffin test para malaman kung nagkaroon nang foul play.

RUSEL CLEDERA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with