Ang nasawi ay nakilalang si James Bantasan, 24, habang isinugod naman sa Ospital ng Navotas ang mga suga­tang sina Mercy Abero, 49 at si Lester Razon, 38.
File
Sunog sa Navotas: 1 patay
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang la­laki habang dalawa ang nasugatan sa naganap na sunog na kung saan ay higit 700 pamilya ang nawalan ng mga bahay sa Market 3, Navotas City kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay nakilalang si James Bantasan, 24, habang isinugod naman sa Ospital ng Navotas ang mga suga­tang sina Mercy Abero, 49 at si Lester Razon, 38.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Navotas City, alas-2:30 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Rogelio Puntial sa may Market 3 Fishport Complex sa Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) na mabilis kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang mga kabahayan.

Umakyat sa 3rd alarm ang sunog dakong alas-2:35 ng madaling araw saka umabot ng 5th alarm dakong alas-2:45 ng madaling araw bago idineklarang fireout dakong alas-6:11 ng umaga.

Patuloy pa rin ang otoridad kung paano nagsi­mula ang sunog na tinata­yang nasa P1 milyon ang halaga ng ari-arian ang natupok.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with