Pinangunahan nina Senator Christopher Lawrence “Bong” Go at Quezon City Mayor Joy Belmonte at iba pang opisyal ng pamahalaan sa pagbubukas ng Malasakit Center sa Novaliches District Hospital, Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City.
Boy Santos
Unang Malasakit Center sa Quezon City binuksan ni Mayor Joy at Sen. Go
Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pormal nang binuksan kahapon ni QC Mayor Joy Belmonte at Senador Bong Go ang kauna- unahang QC government run Malasakit Center na matatagpuan sa Novaliches District Hospital sa Novaliches Quezon City.

Ang bagong Malasakit Center ay ika-46 sa buong bansa at pang 21 naman sa buong Luzon.

Sinabi ni Mayor Belmonte, ang Malasakit Center ay isang one-stop shop na ang isang may sakit ay hindi na tutu­ngo sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para humingi ng ayuda dahil nasa center na ang mga helpdesk ng Philhealth, PCSO, PAGCOR, DOH, at DSWD.

Anya, sa center ay aga­rang mabibigyan ng ayuda sa pagpapagamot ang mga mahihirap na taga Novaliches na kadalasa’y ipinapasa Diyos na lamang ang karamdaman dahil walang pambayad sa ospital.

Personal namang iniabot ni Senador Go at Presidential Asst. for Visayas Mike Lloyd Dino ang P5 milyon tseke para sa operasyon ng Malasakit Center.

BONG GO JOY BELMONTE MALASAKIT CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with