Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Sen. Richard Gordon, na si Albayalde ay siyang hepe ng Pampanga nang isagawa ang kuwestiyonableng raid ng kanyang mga tauhan ay guilty sa “malfeasance, misfeasance at nonfeasance.”
Boy Santos/File
Albayalde, 13 ‘ninja cops’ pinakakasuhan ng drug at graft
Malou Escudero (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinakakasuhan ng Senate panel si dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde at 13 pulis na dati niyang mga tauhan sa Pampanga ng drug at graft charges dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa  recycling ng nakumpiskang shabu sa naganap na drug raid noon sa bahay ng isang Chinese drug lord.

Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Sen. Richard Gordon, na si Albayalde ay siyang hepe ng Pampanga nang isagawa ang kuwestiyonableng raid ng kanyang mga tauhan ay guilty sa “malfeasance, misfeasance at nonfeasance.”

Kabilang din umano sa mga nilabag ni Alba­yalde ang Article 208 ng Revised Penal Code nang tawagan niya sina  dating general CIDG deputy director for operations Rudy Lacadin at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino upang huwag ipatupad ang dismissal order na nilagdaan ni dating Luzon police director retired Brig. Gen. Raul Petrasanta.

“Malfeasance is committing an act that one had no legal right to perform. Misfeasance is the failure to exercise due care and diligence in the performance of an official duty. Nonfeasance is the refusal to perform an act which an officer is obliged to perform”,wika ni Gordon. 

“You have all the circumstantial connection, pinabayaan ‘yung kaso (they neglected the case). At the very least liable siya doon, dereliction of duty,” wika ni Gordon sa inilabas na findings ng committee.

Ang mga tauhan ni Albayalde sa pangunguna ni Supt. Rodney Baloyo, ay nagbenta ng nasa 160 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P648 milyon na kanilang nakumpiska sa anti-drug operation sa umano’y Chinese drug lord na si Johnson Lee noong 2013.

Itinuturing ni Gordon na isang pinakamalaking isda na sumabit sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte si Albayalde dahil sa unang pagkakataon na ang isang 4-star general at hepe pa ng PNP ay nakaladkad sa isyu ng ilegal na droga.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with