Isa lang ang bahay na ito sa Sitio Kalapungot, Purok 6, Brgy. Kisante, Makilala, North Cotabato ang nasira dahil sa lindol.
Rhoderick Beñez
Lindol sa Mindanao:5 patay, 89 sugatan
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang katao ang naiulat na nasawi habang 89 ang nasugatan sa naganap na 6.3 magnitude lindol sa North Cotabato at mga karatig lalawigan sa Region XI at Region XII.

Sa ulat ni Leslie Francisco, Spokesperon ng Office of Civil Defense (OCD) 11,sa limang nasawi ang tatlo dito ay sa landslide sa Magsaysay, Davao Del Sur, isang 2-anyos na nakilalang si Cristine Rodaang nabagsakan ng pader habang natutulog sa Magsaysay, Davao del Sur; at ang ikalima ay inatake sa altapresyon na si Tony Pa­nangulon, 50, ng Mlang, North Cotabato.

Naitala naman sa 89 katao ang nasugatan, 21 dito ay sanhi ng landslide sa Magsaysay, Davao del Sur; 68 sa North Cota­bato, General Santos City at South Cotabato.

Nabatid na alas-7:37 ng gabi,ang epicenter ng 6.3 magnitude ng lindol ay tumama sa Tulunan, North Cotabato at naapektuhan ang power supply.

Lumikha rin ang lindol ng sunog sa furniture at plastic section sa Gaisano Mall sa General Santos City.

Sa Cotabato, naapektuhan ang lindol ang gusali ng Sangguniang Bayan, fire station, hospital mga kabahayahan at maging ang KCC Mall sa lungsod ng Koronadal.

Nagkaroon ng bitak ang  at nabasag ang mga salamin sa Veranza Mall sa North Cotabato, SB Building sa  munisipyo ng M’lang sa  Maguindanao.

Naitala naman na 29 imprastraktura ang nagtamo ng pinsala sa Region XI at XII bunga ng pagtama ng malakas na lindol

LINDOL NORTH COTABATO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with