Pinangunahan kahapon nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang pagpapasinaya sa bagong tayo na Teachers Lounge sa Em’s Signal Village Elementary School, Barangay Central Signal Taguig City.
Edd Gumban
Taguig Teacher’s Lounge binuksan
(Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinasinayaan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang Taguig Teacher’s Lounge, na bukas para sa lahat ng guro sa pampublikong paaralan sa lungsod.

Bibigyan ng Taguig ang mga guro sa pampublikong paaralan ng lounge na kung saan maari silang magpahinga, upang mas maisaayos ang edukasyon lalo na sa mga serbisyong nakatuon sa pag-unlad at paglinang ng kagalingan ng mga mag-aaral at guro. 

Binuksan sa EM’s Signal Village Elementary School (EMSVES) sa Central Signal ang kauna-unahang Teachers’ Lounge sa Taguig sa isang seremonya noong ika-17 ng Oktubre 2019.

Kasunod nito ay bubuksan ang pangalawang ­Tea­cher’s Lounge sa Dr. Artemio Natividad Elementary School (DANES) na matatagpuan sa Brgy.Ususan. 

Binabalak ding patayuan ng City Hall ang mga natitirang pampublikong paaralan sa darating na Enero 2020 at magkakaroon ng kanya-kanyang Teacher’s Lounge ang bawat 26 paaralang elementarya at 10 high school sa lungsod. Ang nasabing inisyatibo ay pakikinabangan ng 38 principal at mahigit kumulang 4,156 na guro, o higit pa dahil sa tumataas na oportunidad para sa mga guro sa sistema ng pampublikong paaralan dito sa Taguig.

TAGUIG TEACHER’S LOUNGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with