Ang biktimang nasawi dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Eleona Mychie Remoquillo, estudyante, residente ng Heredia Compound, Brgy.Cuyab, San Pablo City.
File
7-anyos pinatay ng 15-anyos
Joy Cantos (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

Pumalag sa molestiya...

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 7-anyos na batang babae matapos na siya ay pagsasaksakin ng isang 15-anyos na binatilyo nang pumalag ito sa tangkang pagmomolestiya sa kanya naganap kamakalawa sa Brgy. Cuyab, San Pablo City, Laguna .

Ang  biktimang nasawi dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Eleona Mychie Remoquillo, estudyante, residente ng Heredia Compound, Brgy.Cuyab, San  Pablo  City.

Itinago naman ang suspek sa pangalang Danny na kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, bago ang insidente bandang alas-4 ng hapon sa Heredia Compound ay kasalukuyang nakaupo ang biktima sa labas ng bahay ng suspect nang tawagin siya at papasukin sa loob at  doon maglaro.

 Malaki ang hinala ng pulisya na tangkang molestiyahin ng suspek ang bata, subalit pumalag ito kaya’t sa inis ng binatilyo ay pinagsasaksak ito.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa kaso.

 

 

 

 

 

7YEARS OLD RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with