Ito ang naging paha­yag ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go matapos magsagawa ng ocular ­inspection sa mga “state-of-the-art facilities” sa New Clark City Sports Complex sa Capas Tarlac.
File
Senador Go: Pinas handa na sa SEA Games
(Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa na ang Pilipinas para sa 30th Southeast Asian Games o SEA games na gaganapin sa bansa sa susunod na buwan.

Ito ang naging paha­yag ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go matapos magsagawa ng ocular ­inspection sa mga “state-of-the-art facilities” sa New Clark City Sports Complex sa Capas Tarlac.

Si Sen. Go, na siyang Chairman ng Senate Committee on Sports ay nasabing napakaganda ng lugar at pasilidad na gagamitin sa SEA Games ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Aniya, tinustusan ng gobyerno ng P13-bilyon ang proyekto upang mag-host ng 2019 SEA Games na gagawin sa darating na Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ang New Clark City Sports Complex ay may 20,000-seat athletics stadium, 2,000-seat aquatic center na may Olympic-size pool, pitong gusali na tutuluyan ng mga atleta at sports events official.

“Isang patunay itong New Clark City Sports Complex na tapat si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kaniyang hangaring umarangkada ang imprastruktura sa bansa at malinang ang kakayahan ng sambayanang Pilipino,” wika ni Go.

Tiniyak din ni Sen. Go, na ang Pangulong Duterte ang siyang mangunguna sa pagbubukas ng nalalapit na international sports event.

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with