Opisina ng POGO, kinandado ng BIR
Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napilitang ikandado ng Bureau of Internal Revenue (BIR)  ang mga tanggapan ng Philippine Offshore Ga­ming Operator (POGO) dahil sa hindi pagrerehistro at hindi pagpa-file ng  value-added tax (VAT) returns sa ahensiya.

Isa ang  head office ng Altech Innovations Business Outsourcing sa Aseana City, Parañaque at branch nito sa Double Dragon Building sa Pasay City ang naipasara.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner for Operations Group Arnel Guballa, may P100 milyon ang utang sa buwis ng Altech Innovations .

Anya,ang naturang kumpanya ay  lumabag sa  Section 108 at Section 236 ng National Internal Revenue Code of 1997 dahil sa hindi pagrerehistro at di pagbabayad ng  VAT returns.

Ang Altech Innovations  ay pagmamay-ari ng isang  Jan Erick Lavariaz Altavas at mayroong mga tauhan na  700  hanggang 1,000  empleyado na karamihan ay Chinese.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE PHILIPPINE OFFSHORE GA­MING OPERATOR VALUE-ADDED TAX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with