Mag-ama nalunod sa dagat
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - October 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napalitan ng kalungkutan ang isa sanang masa­yang family bonding matapos na malunod ang isang mag-ama sa beach resort na kanilang pinuntahan sa Cagwait, Surigao del Sur, kamakalawa.

Ang mag-amang nasawi sa lunod ay kinilalang sina Cirilo Limpioso at anak nitong si Jameson Kent, 15, kapwa residente ng Purok 2, Barangay Patinay, Prosperidad, Agusan Del Sur.

Sa naantalang ulat ng pulisya, na noong Linggo ng umaga ay naliligo ang pamilya Limpioso sa nasabing dagat nang bigla umanong lumakas ang hampas ng alon at dito ay natangay si Jameson.

Mabilis itong sinaklolohan ng amang si Cirilo sinakluluhan ng ama, subalit habang papalapit sa anak ay pinulikat umano ito at nalunod din.

Pinoproblema ngayon ng ginang kung paano itataguyod ang pito nilang anak dahil sa pagkamatay ng mister na siya lamang ang naghahanap buhay.

DAGAT NALUNOD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with