Pulis patay sa sariling baril
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - October 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang pulis matapos aksi­denteng pumutok ang kanyang baril na inilagay niya sa kanyang dibdib habang matutulog sa duyan, kamakalawa sa compound ng Kiblawan Police Station, Kiblawan, Davao del Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si P/Master Sergeant Brigham Wayner Pascual, 41, ng Purok Lomboy, Lapu-Lapu Extension, Digos City.

Sa ulat ni P/Capt. James Carumba, hepe ng Kiblawan Police Station, nakahiga ang biktima sa duyan na nasa likod ng kanilang istasyon nang bigla na lang umalingawngaw ang putok ng armas.

Nang puntahan ng mga kasama ang biktima ay nadatnan nilang naliligo sa sariling dugo at patay na.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na pumutok ang lumang M-16 armalite rifle na nakapatong sa dibdib ng biktima, habang nasa duyan.

Hindi umano naka-safety lock ang naturang armas kaya’t agad na pumutok at tumagos sa ulo ng biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Naniniwala ang mga otoridad na aksidenteng nakalabit ng biktima ang kanyang armas habang naidlip dahil mula alas-2:00 hanggang alas-4:00 ng madaling araw ang duty nito.

BARIL PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with