^

Police Metro

Paslit utas sa adik na nanay

Joy Cantos, Ed Amoroso - Pang-masa
Paslit utas sa adik na nanay
Sa ulat, alas-7:45 ng umaga nang naburyong ang suspek dahil sa pagdodroga nito at inakala na ang dalawang anak ay demonyo at bampira. Pinuntahan ang natutulog na bunso at tinakpan ng unan ang mukha habang natutulog.
File photo

1 pa anak kritikal...

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 5-anyos na batang babae nang takpan ng unan ang kanyang mukha habang ang ate nito ay nasa kritikal na kondisyon matapos na pagsasaksakin ng kanilang sariling ina na umano ay bangag sa droga naganap kahapon ng umaga sa kanilang bahay sa Brgy. Tuy, Rizal, Laguna.

Ang nasawi ay kinila­lang si Catherina Medalla Caponpon. Habang nasa malubha namang kondis­yon ang ate nitong si Keisha Kayle Medalla Caponpon, 11, dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek ay ang kanilang nanay na si Ana Loraine Medalla, dating OFW at nasa drug list ng pulisya na agad inaresto at kinasuhan ng parricide at frustrated par­ricide.

Sa ulat, alas-7:45 ng umaga nang naburyong ang suspek dahil sa pagdodroga nito at inakala na ang dalawang anak ay demonyo at bampira. Pinuntahan ang natutulog na bunso at tinakpan ng unan ang mukha habang natutulog.

Nagising naman ang panganay at tinangkang awatin ang ina sa gi­nagawa sa kanyang kapatid, subalit pinagsasaksak siya ng gun­ting ng 26 beses.

Narinig ng mga kapitbahay ang kaguluhan sa loob ng bahay ng pamilya kaya’t inireport nila ito sa mga otoridad at nang magrespondne sa lugar ay nakita ang walang malay na si Catherina at duguan si Keisha.

Ang magkapatid ay dinala sa pagamutan, su­balit hindi na umabot ng buhay si Catherina.

vuukle comment

PAGSASAKSAKIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with