Shootout: 3 drug pusher patay
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - October 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong pinaghihinalaang drug pushers nang kumasa ang mga ito sa mga otoridad habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanila sa mag­kakahiwalay na ope­ras­yon sa Brgy. Sinalukay, Sultan Kudarat, kamakalawa at kahapon.

Napatay ang drug pusher na si Tato Dila­nga­len, 44, nang man­la­ban umano ito sa mga elemento ng Quirino Municipal Police Station (MPS) na magsasagawa ng search warrant sa kanyang bahay.

Ayon sa mga otoridad papasok pa lamang sila sa tarangkahan ng bahay ni Dilangalen nang salubungin sila ng putok ng baril, kaya’t gumanti sila at napatay ito.

Narekober sa lugar ang isang unit ng Homemade Uzi 9 MM submachine gun na may siyam na bala at dalawang piraso ng medium size na shabu at 10 plastic sachet ng shabu.

Samantala,dakong alas-4:30 ng madaling araw kahapon nang silbihan din ng search warrant ng mga operatiba ang dalawa pang drug pushers na sina Alano Sepi Usop at Bigboy Sepi Usop; pawang ng Purok 2, Brgy.Sinalukay, Pres. Quirino, Sultan Kudarat.

Sa halip na sumuko ay nagpaputok ng baril ang mga suspek na nauwi sa palitan ng putok hanggang sa magkasunod na duguang bumulagta ang mga ito.

Nakuha sa crime scene ang isang unit ng cal. 38 revolver na may apat na bala, 8 piraso ng cartridge ng cal. 9 MM, apat na piraso ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas at isang unit ng fragmentation grenade.

TATO DILA­NGA­LEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with