^

Police Metro

7 PMA cadets na sangkot sa pagkamatay ni Dormitorio isasalang sa court martial

Joy Cantos - Pang-masa
7 PMA cadets na sangkot sa pagkamatay ni Dormitorio isasalang sa court martial
Ayon kay Brawner Jr., napagdesisyunan na ng mga opisyal na kailangang dumaan sa court martial ang pitong kadete bilang bahagi ng kasong admi­nistratibo laban sa mga ito na una nang sinampahan ng kasong murder at pag­labag sa anti-hazing at anti-torture law sa Baguio City Prosecutors Office.
File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Philippine Military Academy (PMA) Corps of Cadet commandant Brigadier General Robert Brawner Jr., na ang pitong kadete na mga suspects sa pagkamatay ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio ay isasalang sa court martial.

Kinilala ang mga ito na sina PMA Cadets 3rd Class Shalimar Imperial, Felix Lumbag Jr., John Vincent Manalo, Julius Carlo Tadena at Rey David John Volante, Cadet 2nd Class Christian Zacarias, at Cadet 1st Class Axl Rey Sanopao.

Ayon kay Brawner Jr., napagdesisyunan na ng mga opisyal na kailangang dumaan sa court martial ang pitong kadete bilang bahagi ng kasong admi­nistratibo laban sa mga ito na una nang sinampahan ng kasong murder at pag­labag sa anti-hazing at anti-torture law sa Baguio City Prosecutors Office.

Sinabi pa ni Brawner na ang mga ito ay lilitisin sa paglabag sa Article of War (AW) 96 conduct unbecoming a gentleman and an officer at AW 97 (conduct prejudicial to good order and military discipline).

Pansamantala ay sa PMA muna ang kustodya ng nasabing mga kadete at sa oras na simulan na ang court martial ay itu-turnover na ang mga ito sa kustodya ng General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Ipinauubaya naman sa pamunuan ng AFP kung isasalang din sa court martial sina Major Rex Bolo at Captain Jeffrey Batistiana; pawang mga Tactical Officers ng nasabing mga kadete at PMA Hospital doctors na sina Col. Cesar Candelaria, Capt. Apple Apostol at Maj. Ofelia Beloy.

vuukle comment

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with