^

Police Metro

Tatay pinatay ng kaaway ng anak

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang ni­lalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang isang 47-anyos na ama matapos na pagsasaksakin ng isang lalaki na kaaway ng kanyang anak, naganap kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Ireneo Peñalosa, helper, residente ng Palagatak, Gate 20, Parola Compound, Tondo.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Jonel Sta. Ana, 26, ng 375 Gate 20, Area H, Parola Compound, Tondo.

Sa  imbestigasyon, bago nangyari ang krimen dakong alas-4:00 ng hapon sa harap ng isang tindahan sa Gate 20, Area H, Parola Compound ay nagtungo ang 17-anyos na anak na lalaki ng biktima para dalawin sana siya.

Sa hindi pa malamang dahilan ay narinig na lamang ng biktima ang suspek na pinagbabantaan ang anak kaya’t kinompronta ito na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Natigil lamang ang dalawa nang awatin sila ng mga kapitbahay, kaya’t umalis na lamang ang biktima at nagpahinga sa tapat ng isang tindahan.

Hindi alam ng biktima na sinundan siya ng suspek at walang kaabog-abog na tinarakan ng patalim sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib bago mabilis na tumakas.

vuukle comment

IRENEO PEñALOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with